
Iba't ibang rebelasyon tungkol kay sexy at talented Kapuso actress Rhian Ramos ang nalaman matapos ang kanyang guest appearance sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (September 4).
Sumabak si Rhian sa quiz segment na “How Well Do You Know… Rhian Ramos,” kung saan inilahad ng aktres ang ilang facts tungkol sa kanyang sarili na hindi alam ng publiko.
Isa sa mga tanong para sa guest star ay kung ano ang pinandidirihan niya sa lalaki. Ang tatlong pagpipilian na sagot para sa tanong ay: A. Mahabang kuko, B. Mahabang buhok sa dibdib, at C. Mahabang leeg.
PHOTO COURTESY: TBATS
“Ang totoo d'yan, ayaw ko ng mahabang kuko,” sagot ni Rhian.
Paliwanag niya, “Matindi 'yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang… naiisip ko na 'yung purpose no'n. Tapos nai-imagine ko na lagi.”
Inilahad din ni Rhian na mayroon siyang scorpion tattoo sa kanyang hita at ibinahagi kung bakit ito ang napili niyang disenyo.
“'Yung scorpion kasi may ibig sabihin 'yun para sa Kalinga tribe na para bang deadly ka kapag meron kang scorpion. Gusto ko 'yung vibe na 'yon, gusto ko deadly ako,” aniya.
Matapos ito, nagwagi ang Team John Vic, na binubuo ng John Vic, Pepita, at Ian, sa musical segment na “The Guess-Sing Game,” kung saan nagharap sila ng Team Rhian na sina Rhian, Boobay, at Tekla.
Samantala, “Na-TBATS Ka!" si John Vic matapos ikuwento ni Rhian na hinalikan daw siya ng Kapuso athlete noon sa isang event, na hindi naman pala totoong nangyari.
Bukod dito, nagsibling narrator ang aktres at ikinuwento niya ang istorya tungkol sa “Dancing Lolo and Lola” na sina Lolo Facundo (Tekla) at Lola Pipay (Boobay).
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG “BUWIS-BUHAY” PHOTOS NI RHIAN RAMOS SA GALLERY NA ITO.