'The Boobay and Tekla Show,' mapapanood via livestream sa June 26!
Mga Kapuso, handa na ba kayo para sa mas maraming tawanan at kasiyahan tuwing Linggo?
Simula June 26, mapapanood n'yo na ang The Boobay and Tekla Show via livestream sa official Facebook page ng TBATS, YouTube channel ng YouLOL at sa GMA Entertainment website.
Mayroon ding masayang bukingan at kuwentuhan kasama ang special guest na si Kapuso actress-comedienne Rufa Mae Quinto.
Para sa livestream viewers, maaari n'yo ring isumite ang inyong greetings at shoutouts gamit ang hashtag na #TBATSLiveStream sa June 26.
Bukod sa mga nakatutuwang kuwentuhan at tawanan, masasaksihan din tuwing commercial breaks ang mga online host na tiyak na magbibigay saya sa mga manonood. Ito ay sina Sparkle actress Arra San Agustin at Mema Squad member na si John Vic De Guzman.
Non-stop talaga ang laughtrip na hatid nina Boobay, Tekla, at The Mema Squad sa The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa TBATS tuwing Linggo via livestream at pati na rin sa telebisyon pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.