GMA Logo The Cash: Pinoy Bands
PHOTO COURTESY: TBATS
What's on TV

'The Cash: Pinoy Bands,' mapapanood ngayong Independence Day sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published June 10, 2022 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

The Cash: Pinoy Bands


Sino kaya ang magwawagi sa 'The Cash: Pinoy Bands?' Abangan lamang 'yan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (June 12).

Ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang ika-124 na Araw ng Kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng isang nakatutuwang edition ng musical parody na “The Cash.”

Sa darating na Linggo (June 12), bibigyang-pugay ng TBATS ang Pinoy artists at composers sa “The Cash: Pinoy Bands.”

Bago magsimula ang “The Cash: Pinoy Bands,” uumpisahan nina Boobay, Tekla, at ng anim na Cashers ang programa sa pag-awit ng kanilang bersyon sa kantang “Kapayapaan” ng Tropical Depression.

Anim na Cashers ang maglalaban para sa cash at bragging rights, at aawitin nila ang mga hit track ng Filipino artists.

Una na rito ay ang komedyanteng si Ian Red at kakantahin niya ang “Himala” ng bandang Rivermaya. Aawitin naman ni Buboy Villar ang hit track ng Parokya Ni Edgar ft. Gloc 9 at Francis Magalona na “Bagsakan.”

Ipe-perform naman ni Kapuso actress Rita Daniela ang kantang “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka” ng bandang Eraserheads. Pagkatapos nito, ipapamalas ni AOS Queendom's Jennie Gabriel ang kanyang vocal prowess sa awitin ng Aegis na “Basang-basa.”

Samantala, kakantahin ni Return To Paradise star Derrick Monasterio ang “Next In Line” ng rock band na AfterImage. At s'yempre, ipapakita ni Pepita Curtis ang kanyang vocal talent sa awitin na “Magasin” ng Eraserheads.

Sino kaya ang tatanghalin na ultimate champion sa “The Cash: Pinoy Bands?”

Abangan lamang 'yan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.