Faith Da Silva, Elle Villanueva, Liezel Lopez, sasabak sa 'Sasagutin o Kakainin' ng 'The Boobay and Tekla Show'
Ngayong Linggo (January 29), tatlong sexy at talented Kapuso artists ang sasabak sa isa sa pinakamahirap na eating challenges sa telebisyon.
Maglalaro sina Faith Da Silva, Elle Villanueva, at Liezel Lopez sa “Sasagutin o Kakainin” ng The Boobay and Tekla Show.
Haharapin ng tatlong aktres ang iba't ibang nakakaintrigang tanong at mayroon lamang silang dalawang pagpipilian: magbibigay ng diretsong sagot o kakainin ang exotic food items na inihanda sa TBATS menu.
Kung pipiliin nilang sagutin ang tanong, isa sa miyembro ng Mema Squad, na sina John Vic De Guzman, Jennie Gabriel, Pepita Curtis, at Ian Red, o TBATS hosts Boobay at Tekla ang kakain ng exotic food item.
Muling nagbabalik naman ang paborito ng mga manonood na “Don't English Me,” kung saan maglalaban ang Team Ganda, na binubuo ng comedy duo at guest stars, versus Team Mema na sina John Vic, Jennie, Pepita, at Ian.
Exciting 'di ba? Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 29) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA TOP COMEDIANS NG BANSA SA GALLERY NA ITO.