Myrtle Sarrosa at Elle Villanueva, ipinamalas ang kanilang galing sa aktingan
Ipinamalas nina sexy Kapuso stars Myrtle Sarrosa at Elle Villanueva ang kanilang talento sa pag-arte sa The Boobay and Tekla Show.
Sa segment na pinamatagang “Roleta ng Kadramahan” ay binigyan ni Boobay ng linya sina Myrtle at Elle at kailangan nila itong sabihin ng paulit-ulit base sa emosyon na lalabas sa roleta.
Ipinakita ni Elle ang kanyang galing sa aktingan gamit ang linyang: “Nagpapa-masahe ako kanina, sobrang sarap. Napakasarap” habang tuwang-tuwa ang emosyon.
Hindi rin nagpatalo si Myrtle Sarrosa nang makipag-aktingan kay Tekla gamit ang linyang: “Gusto ko malaman niyong lahat na ang ganda ganda ko talaga” habang galit na galit ang emosyon.
Ginaya rin ito ni Elle Villanueva kasama si Pepita Curtis at pabiro niyang nasampal ang komedyante.
Ani Pepita, “Parang nagising ako sa katotohan.”
Samantala, sa interview segment na “May Pa Presscon” ay mas nakilala pa sina Myrtle at Elle.
Ayon kay Myrtle ay mayroon na siyang higit 100 na costumes dahil halos 10 taon na siya nag-co-cosplay.
Si Elle naman ay graduate ng De La Salle-College of Saint Benilde at nagtapos ng kursong BS Hotel, Restaurant, and Institution Management.
Ibinahagi niya na nasa larangan siya ng real estate at may side line sa mga commercials bago naging Kapuso.
Ipinakita rin ang mga sexy na litrato nina Myrtle at Elle at ibinahagi ng dalawa kung ano ang kuwento sa likod ng mga ito.
Masaya rin ang naging usapan sa larong “Guilty or Not Guilty” kung saan sinagot nina Myrtle at Elle ang mga maiinit na tanong nila Boobay at Tekla.
Hindi lang sa aktingan magaling sina Myrtle at Elle at napasabak din sila sa kantahan sa segment na “Birit Showdown.”
Ipinamalas ng dalawang aktres ang kanilang angking talento sa pag-awit sa kanta ni Olivia Newton John na pinamagatang “Hopelessly Devoted To You”.
Abangan ang susunod na kulitan sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA.
Samantala, tingnan muli ang mga napakagandang cosplay costumes ni Myrtle Sarrosa sa gallery na ito: