Boobay at Tekla
TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, ikinuwento ang naging hakbang sa shoot ng fresh episodes ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Updated On: September 9, 2020, 04:35 PM
Paano nga ba ang nangyari sa taping ng 'TBATS' sa new normal? Alamin mula mismo kina Boobay at Tekla!

May bagong kalokohan, pranks, at jokes na hatid sina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) simula ngayong Linggo, September 13! Pero paano nga ba ang new TBATS sa new normal?

Ngayong September ay nakabalik na ulit sa studio sina Boobay at Tekla para mag-shoot ng fresh episodes ng kanilang high-rating comedy variety show. Nitong Martes, September 8, nakipagkumustahan ang fun-tastic duo sa kanilang fans sa pamamagitan ng video conference at dito ibinahagi ang kanilang naging karanasan sa pagbabalik-taping.

Ayon sa fun-tastic duo, may inihanda silang sorpresa para sa kanilang mga manonood simula ngayong Linggo, September 13.

Pahayag ni Tekla, "Mapalad kami ni Boobay kasi isa kami sa mga programang napili na makabalik sa ere."

Dugtong naman ni Boobay, “Huwag kayong mag-alala dahil isang pasabog na pagbabalik ng The Boobay and Tekla Show ang inyo pong masisilayan starting on Sunday po 'yan.”

Nagpa-swab test daw ang buong staff ng kanilang programa at may nakaabang daw na medics sa kanilang taping. Pag-amin din nila ay challenging din ang kanilang pagbabalik-trabaho dahil na rin sa ginawa nilang pag-iingat.

Patuloy ni Boobay, “Almost half a year, guys, pero nung binigyan kami ng chance ulit na makabalik po sa studio para mag-taping ng bagong episodes ng TBATS, grabe. Noong una parang naninibago kami. Parang first time namin ulit mag-taping talaga, parang new show talaga siya… Ayun nga, nanibago kami kasi wala kaming studio audience pero siyempre kailangan naming sumunod diyan sa ganyang instructions 'di ba for the safety of everyone.

"Pero ang mahalaga nun, talaga naman, nakita namin na talagang na-miss namin lahat, ang aming production staff, ang aming executive producer, si Ms. Cai (Teodoro), si Ma'am Mildred (Natividad), si Kuya Luwi (Bernardo), ang aming director. Lahat kitang-kita mo talaga at naramdaman mo na na-miss namin 'yung isa't isa.

Binigyang-diin din ni Tekla ang istritkong pagsunod nila sa physical distancing.

Sambit niya, “Ang pinaka-challenging sa amin, since nami-miss 'yung isa't isa, bawal 'yung yakapan, bawal 'yung parang gigil kayo. Oo, may tagapigil talaga. We follow all the protocols. Para po kaming… step by step, bawat galaw mo, kalkulado para po ma-ensure talaga ang safety… Siyempre isinaalang-alang natin ang ating safety, hindi lang sa amin ni Boobay, all the rest of the team of The Boobay and Tekla Show.

“Kaya medyo nakakailang… pero talagang in-extend namin ni Boobay 'yung 100% na energy namin, siya at ako hanggang sa maitawid namin 'yung tatlong episodes na 'yun for all fresh, new episodes ng The Boobay and Tekla Show.

Pag-anunsyo rin ng fun-tastic duo, dapat abangan ang mga bigatin nilang bisita sa bagong episodes ng kanilang programa.

Nonstop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!

Kung gusto n'yo rin maka-bonding ang inyong favorite Kapuso stars, sumali na sa Kapuso Brigade. Just message them via Facebook, Twitter or Instagram: @kapusobrigade.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.