
Nagpanggap si Tina Paner na marunong mangulam para sa 'Pranking in Tandem' segment sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, December 15.
Isang bagong kasambahay ang nabiktima ni Tina sa panggu-good time sa 'Pranking in Tandem' segment.
Nagpakilala ang aktres na isang maputing mangkukulam at ipinakita naman niya ang kanyang kapangyarihan nang sugurin siya ng kabit ng kanyang asawa.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng bagong kasambahay ni Tina?
Ipinakilala rin nitong Linggo ang tatlong contestants sa 'Mr. Palito 2019.'
Ininterview sila ng fun-tastic duo tungkol sa kanilang diet, advice sa mga kasing-katawan nila, at pati na tungkol sa kanilang relationship status.
Nagpagalingan din ang tatlong kandidato sa pagsagot sa Q&A portion ng 'Mr. Palito 2019.'
Sino kaya sa kanila ang nagwagi at nagmana ng korona mula kay Mr. Palito 2018 Skelly Clarkson?
Nonstop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show!
Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!