GMA Logo Maine Mendoza
What's on TV

Maine Mendoza, makiki-'TBATS' ulit ngayong Linggo

By Cherry Sun
Published October 3, 2019 4:55 PM PHT
Updated July 16, 2020 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza


Mapapanood muli si Maine Mendoza sa 'The Boobay and Tekla Show' (TBATS) ngayong Linggo, July 19.

Mapapanood muli si Maine Mendoza sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, July 19.

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Si Maine ang kakulitan nina Boobay at Tekla sa dalawang segments ng TBATS.

Siya ang bibida sa segment na 'Roleta ng Kadramahan.' Ipapamalas niya ang kanyang versatility as an actress kung saan hahatulan siya ng audience kung ito ay “check” o “chaka.”

Samantala, makakasama rin niya ang fun-tastic duo sa pagbabasa ng hula sa 'TBATS Horoscope.'

Si Ethel Booba naman ang makikigulo sa 'Pranking in Tandem' segment kung saan mambibiktima siya ng aspiring stand-up comedians.

Magpapakitang-gilas din ang StarStruck Final Four na sina Kim de Leon, Shayne Sava, Allen Ansay, at Lexi Gonzales sa improvisational acting.

'May Forever' naman ang ipapakita nina Boobay at Tekla sa kanilang pagganap bilang ang magnobyo at magnobyang 90 years old na.

Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 19, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!