Diana Zubiri, ikinasal sa set ng 'TBATS?' | Ep. 30
Muling ikinasal si Diana Zubiri para mang-good time sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, August 25.
Isang caterer ang kinuha ng programa para sa gagawing kasal ni Diana. Ang naimbita, hindi lang pala mangunguna sa food tasting kundi magiging biktima pa sa 'Pranking in Tandem' segment ng TBATS. Mapaniwala kaya siya pati na sa kasal na doon mismo ay masasaksihan niya?
Sa bagong segment na 'The Mystery Star,' mahulaan naman kaya nina Tina Paner at Gladys Reyes kung sino ang nasa loob ng mascot? Ang clues: ang kagwapuhan niya ay pinaghalong Dingdong Dantes, Tom Rodriguez at Dennis Trillo, marunong siya sumayaw at kumanta, at 70% comedic-30% dramatic star daw siya. Makihula na rin and watch this:
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody, isang misteryo tungkol sa hindi naaagnas na bangkay ang pinagbidahan nina Boobay at Tekla. Alamin ang kuwento sa likod ng 'La Virginia Taranta Milagrosa Agua.'
Tuloy-tuloy din ang tawanan sa 'Ano ang English…' challenge sa 'TBATS on the Street' at pati na sa 'Dear Boobay and Tekla' kasama ang Mash-up Queen na si Ate Gay.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!