What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, may mainit na pasabog sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong March 17

By Cherry Sun
Published March 15, 2019 7:17 PM PHT
Updated March 17, 2019 10:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Sa exclusive interview kina Boobay at Tekla ng GMANetwork.com, inanunsyo ng fun-tastic duo ang dapat tutukan sa The Boobay and Tekla Show na magpapainit at magpapa-excite ng Sunday night [March 17].

Isang mainit na pasabog ang dapat abangan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 17.

Sa exclusive interview kina Boobay at Tekla ng GMANetwork.com, inanunsyo ng fun-tastic duo ang dapat tutukan sa The Boobay and Tekla Show na magpapainit at magpapa-excite ng Sunday night. Simula kasi ngayong Linggo, March 17, mapapanood ang bagong segment na 'Mr. and Mrs. Katawang TBATS 2019.' Makakasama nina Boobay at Tekla sina Clint Bondad at Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann sa pagpili ng mananalo.

Mr. and Mrs. Katawang TBATS 2019
Mr. and Mrs. Katawang TBATS 2019

Sambit ni Boobay, “Bukod nga sa paborito na nilang segments, magdadagdag pa kami kaya marami silang pagpipilian talaga. Offering namin 'yan para sa pagsalubong natin sa summer. Mas gawin nating hotter ang ating linggo dahil nga meron kaming bagong segment. Abangan niyo kung sino ang mananalo doon kasi pinagsama namin 'yung mga naggaguwapuhan at nagseseksihang contestants.”

Panigurado raw na makukuha ang kiliti ng viewers dahil sa bagong segment. Maliban kasi sa artistahing looks ng bikini open contestants nila ay masusubok din ang mga ito sa tatak-TBATS na Q&A portion.

Pahayag ni Tekla, “'Yung mga aspiring models na malay mo sa TBATS eh ma-discover sila, 'di ba? Doon lang naman nagsa-start ang lahat ng 'yun eh, then makapag-[discover] tayo ulit ng magiging big star in the future.”