EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, thankful sa mataas na TV ratings ng 'The Boobay and Tekla Show'
Hindi matawaran ang pasasalamat nina Boobay at Tekla. Hindi kasi nila inakalang agad-agad na mamamayagpag sa telebisyon ang The Boobay and Tekla Show.
IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians
Simula ng pilot episode ng The Boobay and Tekla Show noong January 27, umarangkada na sa ratings ang comedy program nina Boobay at Tekla. Halos dalawang buwan na at napanatili pa rin ng fun-tastic duo ang lamang nila.
LOOK: Pilot episode ng The Boobay and Tekla Show, panalo sa ratings sa telebisyon
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nagpaabot sina Boobay at Tekla ng kanilang mensahe para sa mga sumusuporta sa kanila.
Ani Boobay, handog nila ang kakaibang viewing experience sa kanilang audience. “Siyempre, sobrang overwhelming 'yung pakiramdam na 'di namin in-expect na maging ganoon agad-agad 'yung pagtanggap ng manonood. Siguro kasi dahil din nag-offer kami ng something new sa ating audience and at the same time, 'yun nga 'yung may participation sila kaya nararamdaman nila na hindi lang sila basta nanonood kung 'di kasama rin sila mismo sa show sa pagpapasaya.”
Nagpahayag din ng pasasalamat si Tekla at nangakong tuloy-tuloy lang ang hatid nilang good vibes.
Sambit niya, “Sobrang thankful sa mga Kapuso natin. Siyempre hindi sila bumibitiw. Mantakin mo na late night, itutulog na lang nila, nilalaan pa nila sa amin. So isang napakalaking bagay para sa amin ni Boobay and of course the show.
“Level up to the highest level kasi siyempre dati noong sa online lang, medyo bitin. Ngayong nasa TV, syempre mas lumawak, lumaki 'yung working place, 'yung mga gagawin, mas maraming pakulo,” patuloy ni Tekla.