IN PHOTOS: Hottest 'May Pa-Presscon' episodes sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong 2021
Ngayong 2021, punong-puno ng katuwaan, kwentuhan, at kasiyahan, ang hatid ng inyong favorite late night habit, 'The Boobay and Tekla Show,' tuwing Linggo.
Iba't ibang Kapuso stars din gaya nina Bea Alonzo, Andrea Torres, Kim Domingo, EA Guzman, Kristoffer Martin, Rhian Ramos, Sef Cadayona, at Barbie Forteza ang sumalang sa hot seat segment na “May Pa-Presscon,” kung saan sinagot nila ang maiinit na kontrobersiya at tanong ng comedy duo.
Bukod sa maiinit na mga rebelasyon sa segment na ito, mas nakilala rin ang iba't ibang guest stars dahil sa tuloy-tuloy na laughtrip at saya na hatid ng programang ito.
Silipin ang ilan sa hottest “May Pa-Presscon” episodes ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong 2021 sa gallery na ito.
Bea Alonzo
Isa sa mga naging guest star ng 'TBATS' ngayong taon ay ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo. Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” ibinahagi ng award-winning actress kung paano siya napa-oo ng kanyang kasalukuyang nobyo na si Dominic Roque. Aniya, “Siguro 'yung decision ko nanggagaling doon sa magaan kapag kasama ko siya. Sabi ko nga sa past interview ko, 'Na-realize ko love doesn't have to be hard. Love can be easy, and this is an easy kind of love.'”
Andrea Torres
Sumalang sa hot seat ng 'TBATS' ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres ngayong taon at sinagot ang controversial questions tungkol sa kanyang love life. Sa episode na ito, inamin ng aktres na naka-move on na siya sa kanyang dating nobyo na si Derek Ramsay, ngunit hindi niya raw priority ang love life ngayon.
Kim Domingo
Isang rebelasyon tungkol sa love life ang inamin ni Kapuso star Kim Domingo sa “May Pa-Presscon” segment ng 'The Boobay and Tekla Show' noong Nobyembre 14. Ayon sa aktres, “single but happy” ang kanyang kasalukuyang relationship status. Nang tanungin naman ang aktres kung handa na ba siyang umibig muli, sagot ng 'Bubble Gang' babe, “Sa ngayon, hindi pa.”
Herlene "Hipon Girl" Budol
Masayang ikinuwento ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa pre-Christmas episode ng 'TBATS' ang kanyang love life. Ibinahagi ng aktres sa “May Pa-Presscon” na nakilala niya sa dating app na Tinder ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Troy at tatlong taon na silang magkarelasyon.
Faith Da Silva
Inamin ni Kapuso actress Faith da Silva na napag-usapan nila ng kanyang 'Las Hermanas' co-star na si Albert Martinez ang kumakalat na isyu tungkol sa kanilang dalawa ngunit “in passing” lamang. Wika niya, “Ongoing 'yung lock-in taping namin noong lumabas 'yung issue na ganito. Yes, napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya 'yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiruan lang namin, tutuksu-tuksuhan lang.”
Kristoffer Martin
Sa April 4 episode, kinumpirma ni Kapuso actor Kristoffer Martin sa “May Pa-Presscon” na girlfriend niya ang kanyang dating 'Babawiin Ko Ang Lahat' co-star na si Liezel Lopez. Handa rin daw niyang ipaglaban ang aktres. Aniya, “Yes, and 'yun 'yung ginagawa ko ngayon, namin ngayon; lumalaban kami.” Makalipas ng ilang buwan, napabalita na hiwalay na ang dalawa at kinumpirma ito ni Liezel.
Rhian Ramos
Matatandaan noong September 2020, inilahad ni Rhian Ramos ang hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Amit Borsok. Sa "May Pa-Presscon" ng 'TBATS' ngayong 2021, sinabi ng aktres na hindi naging madali para sa kanya na mag-move on mula sa sakit na idinulot ng break up.
Nasaktan man, hindi niya ito ikinahihiya dahil alam nito ipinaglaban din niya ang kanyang nararamdaman. Aniya, “First of all, lahat naman ng break up talagang mahirap. At saka dapat, kung nahirapan ka sa isang break up, dapat ika-proud mo 'yun kasi ibig sabihin, binigay mo talaga. Nagmahal ka ng totoo. With that being said, oo, naka-move on na.”
Sef Cadayona
Ang pinaka-nakakaintrigang na tanong kay Kapuso actor Sef Cadayona sa “May Pa-Presscon” segment ng 'TBATS' ay kung liligawan ba nito muli si Andrea Torres. Sagot niya, “Parang puwede ko nang sabihin, 'Malaki lang katawan mo pero hindi mo ako kayang patumbahin.'” Nilinaw naman ni Sef na sila'y friends ng kapwa Kapuso star nito.
“Hindi ko masasabing liligawan. Reconnect, puwedeng reconnect. Pero happy naman kami ngayon as friends eh. At saka nakakapagkuwentuhuan kami pa-minsan minsan. Okay na kami doon, okay na 'yun,” pagbabahagi niya.
EA Guzman
Inilahad ni Kapuso hunk EA Guzman na nakatanggap siya ng indecent proposals noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Umabot pa raw minsan sa halagang P100,000 ang offer. Pagbabahagi niya sa "May Pa-Presscon," “Nung nagsa-start ako sa showbiz, 'yung 'Mr. Pogi,' 'yun doon maraming nagte-text. Di pa kasi uso 'yung Instagram dati eh. Pero dito lately, wala naman.”
Barbie Forteza
Nang tanungin si Kapuso primetime princess Barbie Forteza kung si Jak Roberto na ba ang kanyang pakakasalan, walang pag-aalinlangan niya itong sinagot na “yes.” Ikinuwento rin ng aktres kung ano ang mayroon sa Kapuso hunk na wala sa iba niyang nakarelasyon, kung ilang anak ang gusto niya, at ang kanyang dream wedding.