GMA Logo Prince Clemente at Althea Ablan
PHOTO COURTESY: @blancandnoir.studio (Instagram)
What's on TV

Prince Clemente at Althea Ablan, magpapakilig sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published April 11, 2025 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

Prince Clemente at Althea Ablan


Abangan ang real-life Kapuso couple na sina Prince Clemente at Althea Ablan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo.

Mapupuno ng kilig vibes ang Sunday night n'yo dahil makakasama natin ang real-life sweethearts na sina Prince Clemente at Althea Ablan sa The Boobay and Tekla Show.

Abangan ang exclusive na kuwentuhan tungkol sa kanilang love story na tiyak na maghahatid ng saya at kilig sa mga manonood.

Susubakan naman ng comedy duo na sina Boobay at Tekla na i-recreate ang iba't ibang poses nina Prince at Althea sa kanilang travel photos. Magtagumpay kaya ang hosts?

Sasabak din ang celebrity couple sa nakatutuwang word game na "Guess What" kung saan makakalaban nila sina Boobay at Tekla.

Samantala, mapapanood din ngayong Linggo ang prank segment na "Na-TBATS Ka!"

Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA PRINCE CLEMENTE AT ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO.