Denise Esteban, Dyessa Garcia, Vern Kaye
TV

Denise Esteban, Dyessa Garcia, Vern Kaye, paiinitin ang 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Abangan ang sexy stars na sina Denise Esteban, Dyessa Garcia, at Vern Kaye sa 'TBATS' ngayong Linggo (January 19).

Isang pasabog na episode ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 19).

Hindi lamang isa o dalawa, kundi tatlong hot at fast-rising sexy stars ang makakasama nina Boobay at Tekla para maghatid ng saya this Sunday night. Ito ay sina Denise Esteban, Dyessa Garcia, at Vern Kaye.

Asahan ang mga jaw-dropping revelation sa interview segment na “Guilty or Not Guilty.”

Bukod dito, maghaharap rin ang trio sa tandem nina Boobay at Tekla sa “Don't English Me.”

Samantala, magbibigay din sina Denise, Vern, at Dyessa ng ilang payo sa mga problema sa pag-ibig at relasyon na ipinadala ng tatlong avid viewers.

Abangan ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 19), 10:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.