Faith Da Silva at Jessica Villarubin, maghahatid saya sa 300th episode ng 'TBATS'
Maagang ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang Pasko ngayong Linggo!
Makakasama ng hosts na sina Boobay at Tekla ang Sparkle stars na sina Faith Da Silva at Jessica Villarubin sa 300th episode ng kanilang programa.
Makakalaban ng tandem nina Boobay at Faith ang duo nina Tekla at Jessica sa Christmas edition ng “Ang Drawing Mo.”
Sasabak din sina Boobay, Tekla, Faith, at Jessica sa “Swak or Ligwak,” kung saan ibibigay nila ang kanilang unfiltered opinions tungkol sa ilang Filipino Christmas traditions.
Bukod dito, sasalang ang host at guest celebrities sa traditional “Monito, Monita” na may twist! Huwag palampasin kung ano ang surprise gifts na matatanggap nila Boobay, Tekla, Faith, at Jessica sa isa't isa.
Exciting 'di ba? Abangan ang 300th episode ng The Boobay and Tekla Show sa darating na December 8, 10:10 p.m., sa GMA, YouLOL, Kapuso Stream, at TBATS official Facebook page.