GMA Logo kris bernal
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Kris Bernal, enjoy na enjoy sa pagiging nanay

By Dianne Mariano
Published February 23, 2024 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal


Nagkuwento ang aktres na si Kris Bernal tungkol sa kanyang buhay bilang isang nanay sa 'The Boobay and Tekla Show.'

Naghatid ng saya ang aktres na si Kris Bernal kasama sina Boobay at Tekla sa TBATS noong nakaraang Linggo.

Sa pagbisita ng StarStruck alumna sa nasabing programa, nagkuwento siya tungkol sa kanyang buhay bilang isang nanay. Matatandaan na isinilang si Hailee Lucca, ang anak nina Kris at asawang niyang si Perry Choi, noong August 15, 2023.

Meet Hailee Lucca, the newborn daughter of Kris Bernal and Perry Choi

Ayon kay Kris, nae-enjoy niya ang pagiging isang magulang.

“Ang sarap ng feeling na nagre-react na siya sa akin. Nare-recognize niya na ako, na ako 'yung mommy niya, ngumingiti na [siya]. Hindi katulad nung first three months parang wala pa, tulog, dede, tulog, dede [lang],” kuwento niya sa comedy duo.

Ani naman ni Boobay, “Tapos kapag narinig mo na sabihin 'yung 'mama,' maiiyak ka siguro.”

“Oo talaga at saka na-e-enjoy ko 'yung pagiging mommy,” sagot ng guest celebrity.

Matapos ito, isang non-celebrity guest ang nabiktima nina Kris, Boobay, at Tekla sa segment na “Pranking In Tandem,” kung saan ang una ay nakatanggap ng “makeover” mula sa aktres.

Naging matagumpay kaya ang prank ng tatlo? Alamin sa video sa ibaba.

Samantala, nagharap sina Boobay, Tekla, at Kris sa “The Inuman Quiz,” kung saan sinubukan nilang i-outsmart ang isa't isa sa pagsagot sa ilang showbiz trivia questions.

Para sa nonstop tawanan, tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mayroon din itong delayed telecast sa GTV.