Sachzna Laparan, sumalang sa fun matchmaking game sa 'TBATS'
Puno ng kilig ang nakaraang episode ng The Boobay and Tekla Show dahil napanood dito ang masayang matchmaking game na “Pusuan Na 'Yan.”
Sumalang sa naturang segment ang social media star at aktres na si Sachzna Laparan.
Dito, tatlong hunks ang sinubukang mapabilib si Saczhna gamit ang kanilang charm, wit, at sense of humor.
Ito ay sina Mr. Christmas Lights (Irvine Garcia), Mr. Christmas Ball (Polo Laurel), at Mr. Christmas Gift (Kristof Garcia).
Sino kaya sa tatlong nagaguwapong hunks ang pinusuan ni Sachzna? Alamin sa video sa ibaba.
Samantala, nakasama ng comedy duo si Sachzna sa “Pranking In Tandem,” kung saan ang kanilang dalawang prank victims ay akalang sila'y mag-o-audition para sa role sa isang upcoming na serye.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:25 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.