GMA Logo Michael Sager Zephanie Riel Lomadilla John Rex at Hannah Precillas on TBATS
PHOTO COURTESY: michaelsager_, zephanie, xoxo_gm_riel, johnrex_ofcl, hannah precillas (IG)
What's on TV

Michael Sager, Zephanie, Riel Lomadilla, John Rex, at Hannah Precillas, makikisaya sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published November 19, 2023 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager Zephanie Riel Lomadilla John Rex at Hannah Precillas on TBATS


Abangan sina Kapuso stars Michael Sager, Zephanie, Riel Lomadilla, John Rex, at Hannah Precillas sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo, November 19.

Isang masayang kantahan na may tawanan ang mapapanood sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 19.

Makakasama rito nina Boobay at Tekla ang Kapuso singers na sina Riel Lomadilla, John Rex, at Hannah Precillas.

Sasalang ang tatlong talented artists sa musical segment na “Ka-Voice: Sing-A-Like Contest,” kung saan ipamamalas nila ang kanilang galing sa pag-awit habang ipinapakita ang kanilang comedic timing.

Samantala, sasabak ang Shining Inheritance actor na si Michael Sager at ang This Generation's Pop Princess Zephanie sa fun trivia quiz na "'Wag Na 'Wag Mong Sasabihin."

Related content: All the times Zephanie and Michael Sager went on a date

Isa naman sa guest celebrities ang magiging biktima ng isang prank. Sino kaya ito?

Subaybayan lamang 'yan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:25 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.