IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians
#Deserve talaga nina Boobay and Tekla ang pagbida sa digital comedy show at ngayo'y Sunday night TV program na 'The Boobay and Tekla Show!' Alamin kung bakit kabilang sa top Pinoy comedians ang fun-tastic duo sa gallery na ito.
Witty
Mataba ang utak! Ganyan sina Boobay at Tekla sa kanilang pagbitaw ng mga mabibilis, nakatatawa, at minsa'y matatalim na banat.
Humor
Mas keri nila ang self-depricating humor dahil naniniwala sina Boobay at Tekla na hindi kailangang manlait ng iba para magpatawa.
Chemistry
Riot lang sa tawanan pero walang rivalry at sapawan sa pagitan nina Boobay at Tekla. Pansin ang chemistry ng fun-tastic duo dahil may kanya-kanya silang moment para bumida at magpatawa.
OFW
Panalo sa puso ng mga OFW sina Boobay at Tekla. Sagot sa homesickness, napaparamdam nilang nasa Pilipinas lang ang ating mga Kapuso abroad dahil sa entertainment na hatid nila.
Kabogera
Palakihan ng wig at pabonggahan ng outfit! Hindi magpapatalo riyan sina Boobay at Tekla. Hitsura pa lang, nakakatawa na, 'di ba?
Raketera
Sa iba't ibang GMA shows tulad ng 'Unang Hirit,' 'Celebrity Bluff,' 'Dear Uge' at kahit drama series at pati na rin comedy bars, napanood na natin sina Boobay at Tekla. Ibang level talaga ang kasipagan ng dalawa.
Humble
Sa kabila ng success na tinatamasa ng kani-kanilang career at ng kanilang comedy show na 'The Boobay and Tekla Show,' hindi nakalilimutan ng fun-tastic duo ang kanilang humble beginnings at pagpapakita ng pasasalamat.
Learning
Learning never stops para sa ating fun-tastic duo. Maliban sa mga lesson na natutunan nila sa trabaho at kanilang mga katrabaho , ume-effort din silang maging maalam sa current affairs dahil maaari raw silang humugot dito ng punch lines.
Saya
Priority nina Boobay at Tekla ang pagpapasaya sa inyo, mga Kapuso! Kaya para non-stop ang good vibes at laugh trip, tutok na sa 'The Boobay and Tekla' show sa TV simula January 27 at sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Huwebes!