Tekla at Buboy Villar, kumusta bilang mga ama?
Naghatid ng saya at good vibes sina Tekla at Kapuso actor-comedian Buboy Villar kasama ang guest star na si Rabiya Mateo sa recent episode ng The Boobay and Tekla Show.
Ibinahagi ng beauty queen-turned-actress sa “TBATS Top 5” ang limang linya na binibitawan ng ina sa kapag galit.
Sa naturang segment, tinanong ni Rabiya si Tekla kung kumusta ang komedyante bilang isang ama. Aniya, “Good. I'm a good provider.”
Si Tekla ay mayroong dalawang anak na sina Aira, ang kanyang anak mula sa ex-partner na si Irene, at Angelo, ang kanyang lalaking anak mula sa dating partner na si Michelle Banaag.
Dagdag pa ng komedyante, “I'm a good provider sa mga anak ko. Hindi ko lang inilalathala 'yan because responsibilidad ko 'yan, 'di mo kailangang ipagsabi 'yan kasi habang buhay mong responsibilidad 'yan. Mag-asawa 'yang mga 'yan, mag-anak 'yang mga 'yan, nandoon 'yung lifetime commitment mo sa mga anak mo.”
Matapos ito, tinanong naman ni Rabiya si Buboy kung kumusta ang pagiging tatay nito sa kanyang mga anak.
Ang Sparkle actor-comedian ay mayroong dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael sa kanyang American ex-girlfriend na si Angillyn Gorens.
“Laging tinanong sa akin, 'Ano 'yung pinagbago sa akin bilang isang tatay?' Actually, wala. Mas naging masaya pa, mas nakita ko 'yung buhay ko, mas nilasap ko 'yung buhay ko kasi mayroon akong anak at kailangan kong i-secure 'yung sarili ko para may mai-secure ko rin sila. At gusto ko lahat ng hindi ko naranasan noong kabataan ko, mararanasan nila. At wala akong ibang gusto sa kanila kung hindi happiness lang,” pagbabahagi niya.
Bukod dito, sumalang si Rabiya sa “Phone Raid,” kung saan binasa nina Tekla at guest co-host na si Buboy ang ilang text messages sa cellphone ng aktres base sa random numbers na binigay ng production staff.
Hiniram din ni Rabiya ang cellphones nina Tekla at Buboy para basahin ang ilang messages ng mga ito. Ano-ano kaya ang malalaman ni Rabiya sa cellphones nina Tekla at Buboy? Alamin sa video sa ibaba.
Sumalang din sina Rabiya, Tekla, at Buboy sa “Bawal Tumawa Newscast,” kung saan binasa nila ang lahat ng nakalagay sa teleprompter for the first time. Kayanin kaya nilang hindi tumawa habang nag-uulat? Panoorin sa video na ito.
Samantala, sumabak ang Sparkle Teens na sina Bryce Eusebio, Waynona Collings, Liana Mae, at John Clifford sa special edition ng “Food or Fake.”
Sino kaya sa kanilang apat ang nakakain ng tunay at peke na pagkain?
Para sa nonstop good vibes at tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, TIGNAN ANG STUNNING LOOKS NI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO.