Rita Daniela, na-biktima ng prank nina Boobay at Tekla sa 'TBATS'
Isang masayang episode ang napanood sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (May 7) dahil nakasama nina TBATS hosts Boobay at Tekla ang aktres at expectant mom na si Kris Bernal.
Sa naturang episode, naging biktima ng prank nina Boobay at Tekla ang kaibigan ni Kris na si Kapuso actress Rita Daniela sa “Na-TBATS Ka!”
Ang sitwasyon ay kunwari mayroong nakapulot sa cellphone ni Kris sa isang coffee shop at ibabalik ito ng nakapulot na si “Raymond” (Boobay) sa kaibigan ng aktres na si Rita. Ngunit bago ibalik, hihingi muna si Raymond ng pera kay Rita.
Ano kaya ang reaksyon ni Rita matapos ma-prank? Alamin sa video sa ibaba.
Bago ang nangyaring prank, sumabak sina Kris, Boobay, at Tekla sa “Food or Fake,” kung saan mayroong mga food item na naka-display. Sa naturang laro, tiningnan nila ang mga nakahandang pagkain mula sa malayo at pumili kung ano ang totoo sa mga ito.
Natikman din nila ang mga napiling food item upang malaman kung ito'y totoong pagkain o hindi.
Matapos ito, ibinahagi ni Kris ang Top 5 na dapat gawin ng babae para hindi iwan ng lalaki sa segment na "TBATS Top 5." Anu-ano kaya ito? Alamin sa video sa ibaba.
Sumalang din ang soon-to-be mom sa "Phone Raid," kung saan hiniram ng comedy duo ang cellphone ng aktres at binasa ang messages niya, base sa ibinigay na random number nina Tekla at ng production staff.
Anu-ano kayang mga mensahe ang nabasa nina Boobay at Tekla? Panoorin sa video sa ibaba.
Para sa tuloy-tuloy na tawanan at good vibes, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PREGNANCY JOURNEY NI RITA DANIELA SA GALLERY NA ITO.