
Secrets were revealed sa game na inihanda ng Taste Buddies.
Nitong July 13, ay napasabak sa isang fun game ang Taste Buddies na sina Solenn Heussaff at Gil Cuerva kasama ang kanilang mga bisita na sina Yasser Marta, Prince Clemente, Nikki Co, at Dave Bornea. Sa kuwentong barbero na may hubaran ay kailangan nilang hulaan kung ang ibabahagi nila ay totoo o kuwentong barbero.
Isa sa mga ikinuwento ay ang unang naging boyfriend umano ni Solenn ay nag-cheat sa kanya. Ayon kay Solenn ay nahuli ito ng kanyang kaibigan at pinadalhan siya ng photo ng kanyang boyfriend na may kasamang isang lalaki. Totoo kaya ito o kuwentong barbero?
Panoorin ang kabuuang kuwento ni Solenn sa Taste Buddies.