Buboy Villar, may pasabog na dance number sa pagbabalik niya sa 'Tahanang Pinakamasaya'
Mahigpit na yakap ang sumalubong kay Buboy Villar mula sa kaniyang co-hosts sa Tahanang Pinakamasaya sa kaniyang pagbabalik. Muling napanood si Buboy sa nasabing noontime show ngayong Martes, February 27.
Matatandaan na matagal ding nawala si Buboy sa Tahanang Pinakamasaya dahil sa kinakailangan niyang mag-taping para sa second season ng Running Man Philippines sa South Korea.
Sa nasabing episode, isang hataw na production number ang ginawa ni Buboy na na-miss sa kaniya ng maraming Kapuso.
Biro ni Buboy, “Hindi na ako nasanay sa klima dito sa Pilipinas.” Pero pag-amin niya, “Welcome back sa akin at na-miss ko kayong lahat.”
Dagdag pa ni Buboy, talagang na-miss niya ang kaniyang hosting duties sa noontime show lalo na ang segment na “G sa Gedli.”
Aniya, “Ang na-miss ko rin siyempre ang ating televiewers na walang sawang sumusuporta dito sa TP - 'Tahanang Pinakamasaya' at siyempre Yorme ang ating 'G sa Gedli,' miss na miss ko na rin po 'yung mga taong nagsusumikap…”
Tumutok sa Tahanang Pinakamasaya, Lunes hanggang Biyernes 12:00 p.m., at Sabado 11:30 a.m. sa GMA.