Rita Daniela, gaganap na kambal sa 'Tadhana'
Handa na para sa isang nakaaantig na pagganap sa Tadhana ang Kapuso actress at singer na si Rita Daniela.
Sa unang pagkakataon, gaganap bilang kambal ang aktres.
Dahil sa isang pangyayari ay magkahiwalay ang kambal na sina Laura at Alyssa (Rita Daniela). Ginawa ng mag-inang Anita at Laura ang lahat para mahanap si Alyssa ngunit bigo sila.
Makalipas ang ilang taon, nakilala ni Laura ang isang music producer -- si Kenneth (Paul Salas) na siyang tutupad sa kanyang pangarap na maging sikat na singer! Dahil sa magandang kalooban ni Laura ay unti-unting nahulog ang loob ni Kenneth dito.
Pero ang tila happy song ng kanyang buhay biglang mawawala sa tono sa pagbabalik ng kanyang kambal na si Alyssa! Happy reunion nga ba o isang agawin ang magaganap?
Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Rita Daniela, Paul Salas, Lilet Esteban, Pinky Amador, Mia Pangyarihan, at TikTok star Trixie Lalaine Cocomelon (@trixielalaine07).
Samantala, tingnan ang mga breathtaking photos ni Rita Daniela sa gallery na ito:
Panoorin ang espesyal na performance ni Rita para sa Tadhana sa video na ito: