What's on TV

'Dalagang Pilipina' episode nina Divine at Jeric Gonzales, trending sa Twitter!

Published May 6, 2019 4:58 PM PHT
Updated May 6, 2019 10:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Nitong Sabado, May 4, marami ang pinakilig ng tambalang Divine at Jeric Gonzales nang mapanood sila sa isang episode ng Tadhana.

Nitong Sabado, May 4, marami ang pinakilig ng tambalang Divine at Jeric Gonzales nang mapanood sila sa isang episode ng Tadhana.

Ipinakita ng kuwento ang isang wagas na istorya ng pag-ibig at pagmamahal sa pamilya. Sa episode na ito ay ipinakita ang kahalagahan ng pamilya, at ang sakripisyo ng isang OFW para sa kanyang loved ones kahit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng kanyang lalaking minamahal.

Marami ang humanga sa tambalan nilang dalawa, at ayon sa Twitter comments ng manonood ay kinilig daw sila at natuwa sa palabas

May ilan na nag post ng kanilang reaksyon at litrato ng tambalan nila at ang kissing scene, ang iba naman ay nakarelate daw sa love story nilang dalawa at nagbigay inspirasyon sa kung paano magmahal ang isang tao. Ika nga sa isang komento, “If you choose love, you will always be happy” at ang isa naman ay motto ang “to forgive and forget”. Nag iwan ito ng aral na ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa panlabas na kaanyuan.

Maganda ang chemistry nilang dalawa ni Jeric Gonzales, ayon sa komento ng manonood ay natuwa sila, naluha, kinilig at na-inspire na huwag susuko pagdating sa pagmamahalan. Binati rin ng karamihan ang dalawa at maraming umaasa na mabigyan pa ulit sila ng pagkakataon na magsama sa isang proyekto.