GMA Logo Thea Tolentino at Dion Ignacio
What's on TV

Thea Tolentino at Dion Ignacio, bibida sa 'Tadhana: Lenten Special'

By Bianca Geli
Published April 18, 2025 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino at Dion Ignacio


Isang sakristan, mabubuntis ang kanyang nobya? Relasyon ng isang pari, ibinunyang ng isang ginang.

Sa Tadhana: Lenten Special, agad na ipinaalam ni Faith (Thea Tolentino) sa boyfriend niyang sakristan na si Peter (Dion Ignacio) ang kanyang pagbubuntis. Pero imbes na matuwa, takot ang nanaig sa binatang nais na magpari balang araw.

Para makaganti sa pamilya ni Faith (Thea Tolentino) ay ibubunyag ng ina ni Peter (Dion Ignacio) ang lihim na nakaraan nina Father Larry (Smokey Manaloto) at Mirasol (Jan Marini) sa gitna ng misa.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa mga kuwentong puno ng inspirasyon at pag-asa tuwing Sabado sa Tadhana, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.