Tadhana
TV

Kris Bernal, mahahanap ang nawawalang anak sa 'Tadhana: Abo ng Kahapon'

By Bianca Geli
Naniniwala si Elaine (Kris Bernal) na mahahanap niya ang kanyang nawawalang anak, mabubunyag din ang katotohanan na buhay pa pala talaga ito.

Sa Tadhana: Abo ng Kahapon, ang anak na nawala sa sunog noon, buhay pa pala? Ang ina nitong si Elaine (Kris Bernal), gagawin ang lahat para maibalik ang kanyang anak.

Ang katotohanan sa pagkawala ng anak nina Elaine at Rod (Rob Gomez) sa sunog, nabunyag na!

Sa kasagsagan kasi ng sunog, isang kapitbahay pala ang kumuha sa kanilang anak.

Mabawi pa kaya nila ang anak na nawalay sa kanila? Mapatawad pa kaya ni Elaine si Rod mula sa mga pagkakamali nito?


Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Abo ng Kahapon, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Dahil sa nangyaring trahedya sa kanyang pamilya sa Pilipinas, bumalik ng bansa si Elaine (Kris Bernal) para ipagluksa ang kanyang anak na nawala sa sunog.


Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.