
Sa pagpapatuloy ng Tadhana: Abo ng Kahapon, umuwi ng Pilipinas ang Pinay caregiver na si Elaine (Kris Bernal) para ipagluksa ang nawala niyang anak dahil sa nangyaring sunog sa kanilang barangay. Pero kasabay ng kanyang pagdadalamhati ang pagkatuklas niya sa kataksilan ng kanyang asawa.
Dahil kasi sa pambabae ni Rod (Rob Gomez), hindi niya nailigtas ang anak nila ni Elaine sa sunog!
Pero sa halip na humingi ng tawad, nasisi pa si Elaine dahil sa pagiging OFW niya.
Mapatawad pa kaya ni Elaine ang kanyang asawa?
Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Abo ng Kahapon ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.