
Sa Tadhana: Komisyon, nagtrabaho sa Singapore si Apple (Nadine Samonte) upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Nagtiis upang makapagpadala ng pera para sana sa maliit na negosyo sa Pilipinas. Pero lingid sa kanyang kaalaman, ang mga pinapadala pala niyang pera, winawaldas sa maling bagay ng kanyang mister na si Bernard (Mike Tan). Maging ang nag-iisa nilang anak na si Arbie, napabayaan na rin nito.
Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, laking gulat niya nang makita ang nangyari sa kanyang mag-ama. Ano ang kayang tiisin ni Apple para sa kanyang pamilya?
Abangan ang natatanging pagganap ni 2023 MMFF Best Child Performer Euwenn Mikael kasama sina Nadine Samonte, Mike Tan, Vaness Del Moral, Rob Gomez, Tart Carlos at Andrew Gan.
Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng Tadhana: Komisyon ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMa-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube.