
Pinasaya ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ng kanyang mga leading men na sina Matthias Rhoads at Jerald Napoles ang kanilang Davaoeño fans. Ginanap ang Kapuso Fans Day ng Super Ma'am sa Kapitan Tomas Monteverde Sr. Central Elementary School sa Davao City.
Nagbigay din ng presentation ang mga bata para kay Marian, kung saan sinayaw nila ang viral song na "Baby Shark."
Nakausap din ng cast ang local press.
Abangan ang Super Ma'am gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.