EXCLUSIVE: Helen Gamboa says 'Super Ma'am' is for all ages
Hindi lang po pambata ang bagong action-fantasy series na Super Ma'am dahil sakop nito ang lahat ng manonood.
Nanggaling ito mismo sa nagbabalik Kapuso star na si Helen Gamboa, “Actually, for all ages [ang Super Ma’am].”
Tinanggap umano ng beteranang aktres ang telefantasya dahil sa kakaibang kuwento nito, “It’s really something different from my shows kaya tinanggap ko. Sabi ko susubukan ko namang gumawa ng [may] supernatural touch.”
Gagampanan ni Mrs. Sotto si Lolita Honorio, ang Super Lola nina Minerva, Mabelle at Bixby Henerala na may karanasan sa mga Tamawo noong dalaga siya.
Matagal-tagal na rin mula noong sumabak sa drama ang aktres kaya abangan ang kanyang pagbabalik sa Kapuso network sa pamamagitan ng GMA Primetime soap.
“Iniimbitahan namin lahat ng ating kababayan na sana panoorin o subaybayan nila gabi-gabi,” pagtatapos ni Ms. Helen.
Panoorin ang Super Lola na resbak ni Super Ma’am gabi-gabi sa GMA Telebabad.