TV

EXCLUSIVE: 'Super Ma'am' Marian Rivera, malapit nang bumalik sa GMA Primetime!

By Bea Rodriguez
Updated On: September 9, 2017, 11:39 AM
The queen is back!

The queen is back! Malapit na malapit na nating muling masilayan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa bagong GMA Telebabad telefantasya na Super Ma’am.


“Nakaka-excite kasi halos two and a half years din ako nawala sa primetime so it’s about time na bumalik uli ako. Looking forward ako, especially makita ‘yung mga cast [at] si Direk,” kuwento niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Feeling ng Kapuso star ay back to zero siya ulit sa tagal niyang nawala sa GMA Telebabad ngunit napapadali raw ni Direk LA Madridejos at ng cast ang kanyang trabaho.

Isa pa rin ang layunin ng Kapuso Primetime Queen, “Ang importante ay paano ka sa audience at paano mo nabibigyang buhay ‘yung karakter na binibigay sa iyo. At the same time, kung anong nae-extend mo sa mga tao na happiness kapag pinapanood ka nila.”

Subaybayan ang action at adventure ni Super Ma’am sa GMA Telebabad ngayong Setyembre 18 na!

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.