TV

Carmina Villaroel, first time makakasama si Marian Rivera sa show via 'Super Ma'am'

By Gia Allana Soriano
Updated On: September 9, 2017, 11:41 AM
Ano kaya ang nararamdaman ni Carmina sa una nilang pagsasama ng Kapuso Primetime Queen sa isang project?

Sa upcoming GMA series na 'Super Ma'am,' unang beses makakatrabaho ni Carmina Villaroel ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. 

Aniya, "Excited ako sa role ko. Excited ako to work with Marian. It's my first time, first time ko siya makakatrabaho."


Nagbigay din naman ng pasilip si Carmina sa kanyang role. Ika niya, "Special role ng misteryosang babaeng si Ceres. Kakaibang kapangyarihan ni Minerva. Dahil hindi siya magiging super, slight super lang, kung hindi dahil sa karakter ko."

Abangan si Carmina bilang Ceres at Marian Rivera bilang Minerva sa 'Super Ma'am,' ngayong September na sa GMA Telebabad!

Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video from GMA News

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.