
Mukhang enjoy ang baguhang Kapuso star na si Matthias Rhoads sa kanyang pagsabak sa acting mula sa pagiging isang modelo. Siya ang leading man ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagbibidahan nitong GMA Telebabad fantasy series na Super Ma’am.
Nagsimula nang mag-taping ang Filipino-American hunk bilang ang foreigner archaeologist na si Trevor Jones, “Super fun, [and] I love acting every time. The first day was super short, [but] I enjoyed the second day more because I had a lot of lines, and I was able to meet most of the main cast.”
Nakilala na niya ang beteranang aktres na si Ms. Helen Gamboa at ang sexy actress na si Meg Imperial. Makakasama rin ni Matthias ang kapwa niyang Kwentong Jollibee stars na sina Ash Ortega at Enrico Cuenca sa telefantasya.
Nabigla raw ang baguhang aktor nang sumabak siya sa eksena kasama ang Primetime Queen, “Marian is kind of slapping and hitting me at the moment because our introduction isn’t so ideal.”
Iba naman ang kanyang pakikitungo kay Meg, “My relationship with [her] is more interpersonal [because] her character is making landi.”
Ang pakikipagsapalaran raw ng cast sa likod ng kamera ay gayun din kapag sila ay nagte-taping na. Sa katunayan, kumportable na ang hunk actor sa setup, “I have a nice cold room, and I just got a reclining chair so I’ll probably be sleeping on that because I know that there’s long hours.”
Photos by: manilamatthias(IG)