Babaguhin ng comedy-musical variety program na Sunday PinaSaya ang noontime viewing experience ng mga Pilipino tuwing Linggo sa hatid nilang katatawanan at kasiyahan.
Pinagbibidahan ito nina Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas, ang kinagigigiliwang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, at ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Kasama nila sa mga pasabog, pakulo at pakwelang hatid sina Alden Richards, Juie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro at Jerald Napoles. Mapapanood din dito ang iba’t ibang Kapuso stars na bibisita bilang guest performers.
Meron ding iba’t ibang sorpresa at papremyo na naghihintay sa mga viewers.
Sumama na sa bagong Sunday hahaha-bit ng bayan, dahil Sundays are fun days sa 'Sunday PinaSaya.'
Magsisimula na ngayong August 9 at 12 noon.