TV

Jose Manalo, nagdiwang ng 25th anniversary sa showbiz

By Bianca Geli
Ipinagdiwang ng Comedy Lodi na si Jose Manalo ang kanyang 25th year in showbiz sa isang segment ng 'Sunday PinaSaya.'

Ipinagdiwang ng Comedy Lodi na si Jose Manalo ang kaniyang 25th anniversary sa showbiz sa isang segment ng Sunday PinaSaya.

Jose Manalo
Jose Manalo

Ipinakita kung paano nagsimula sa showbiz si Jose, mula sa kanyang simpleng buhay sa Tondo, pagiging isang boyoyong clown, production assistant sa GMA, hanggang sa maging floor director, at isa sa hosts ng Eat Bulaga.

Nagpasalamat si Jose sa lahat ng naging parte ng kaniyang 25 years sa showbiz.

“Siyempre, una sa lahat thank you Lord Jesus Christ and of course, Eat Bulaga, Tito, Vic, and Joey, Mr. Tuviera, Ma'am Malou, my manager. Hindi ako makakarating dito, hindi ako makakapasok sa showbiz kung hindi rin dahil sa Eat Bulaga."

Dagdag pa niya, “Thank you sa lahat. Sa Sunday PinaSaya, sa GMA, maraming maraming salamat din po. Naging parte kaming lahat na makapagpasaya ng mga tao, at sa pamilya ko, salamat.”

Panoorin:

Aiai Delas Alas, ipinagdiwang ang tatlong dekada sa industriya

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.