TV

WATCH: First interview of Marian Rivera after giving birth

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: April 30, 2019, 11:31 AM
Noong Linggo, April 28, nagbigay ng exclusive interview via phone call si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kina Aiai Delas Alas at Jose Manalo sa 'Sunday PinaSaya.'

Noong Linggo, April 28, nagbigay ng exclusive interview via phone call si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kina Aiai Delas Alas at Jose Manalo ng Sunday PinaSaya.

Marian Rivera
Marian Rivera

Sa maikling segment, tampok sa tatlo ang desisyon nina Marian at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na pangalanan ang bagong anak na “Jose.”

Biro ni Marian, “Sabi kasi niya (Dingdong), 'yung anak ko may 'Jose'. Eh lahat daw ng Jose gwapo.”

Sagot ni Jose Manalo, “Alam mo Dong, 'yan ang pinakamagandang desisyon na nagawa mo sa buhay mo. 'Yung bigyan mo ng 'Jose' ang pangalan niya.”

JUST IN: Marian Rivera gives birth to Jose Sixto G. Dantes IV

Nabigyan din si Marian ng pagkakataon na sagutin ang ilang katanungan mula sa Facebook.

Isa na rito ang plano nilang palawakin ang kanilang pamilya at dagdagan pa ng isang kapatid sina Zia at Ziggy.

Pahayag ni Marian, “Nako we'll see!

“Itong dalawang ito (Zia at Ziggy) medyo maingay na sa bahay eh. Hihinga muna ako kasi parehas makulit eh.”

LOOK: Ate Zia meets younger brother Ziggy

Nagbigay din ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng nagdasal para sa safe delivery ng kaniyang anak.

“Salamat sa lahat. Ang hirap pero nung nakita ko 'yung anak ko, worth it talaga.

“Sabi ko nga, 'Thank you Lord at binigyan kami ulit ng isang anghel sa buhay namin.'”

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.