Marian Rivera, competitive sa 'Sunday PinaSaya' performance
Handa nang lumaban at magpakita ng husay at galing sa pagtatanghal ang grupo ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanilang third year anniversary special sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo, August 5.
“Good luck! Competitive [ako]!” patawang sinabi ni Ate Yan sa grupo nina Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas at Concert Comedy Kings Jose Manalo at Wally Bayola.
“Ang sarap mag-isip ng gusto naming ibigay, kumbaga, kami ang nag-conceptualize [at] kami ang nag-isip kung ano ba dapat ang aming ipakita pa sa kanila,” dagdag ng Primetime Queen na excited na sa kanilang magiging pasabog bukas.
Nagpapasalamat si Marian sa suporta ng mga Kapuso na patuloy na sumusubaybay ng show sa loob ng tatlong taon, “Nagpapasalamat kami na umabot kami ng tatlong taong nagpapaligaya sa kanila every Sunday.”
Handog ng show ang melodramatic version ng kanilang theme song, ang “Puso ng Saya.” Ayon sa Kapuso star, “Parang sinasabi din kasi ng Sunday PinaSaya, pinapaalahanan ang mga tao na kahit ano'ng pinagdadaanan ng mga Pilipino, nakukuha pa rin talaga nilang tumawa.”
Abangan ang performances ng Team Marian, Team Aiai, Team Jose at Team Wally ngayong araw, August 5, sa number one Sunday noontime show sa bansa, ang Sunday PinaSaya!