WATCH: Bianca Umali at Kyline Alcantara, may rap battle sa 'Sunday PinaSaya!'
Aabot na sa Sunday PinaSaya ang away ng Kambal, Karibal stars na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara para magharap at magsagutan sa isang rap battle sa 'DJ Bae: Baelagtasan Edition' ngayong Linggo, April 8.
Resbak naman ni Almost a Love Story leading lady Barbie Forteza ang kanyang leading man sa pelikula na si Derrick Monasterio sa isang romantic-comedy skit na 'D’ Resbakers.' Sila rin ang maglalaro sa 'Kantaririt' ngayong Linggo sa inyong paboritong Sunday noontime show.
Mas papainitin naman ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang inyong summer sa pamamagitan ng kanyang dance lessons sa 'The Budots Show.'
Abangan ang bagong tema ng Sunday PinaSaya sa pagpasok ng tag-init, 'Kami ang bahala sa summer niyo,' tampok ang mga tanyag na summer destinations sa bansa.