TV

WATCH: 'Sunday PinaSaya,' may Lenten Special ngayong Linggo

By Bea Rodriguez
Updated On: March 23, 2018, 04:25 PM
Ano ang dapat mong abangan sa 'Sunday PinaSaya' ngayong Linggo, March 25?

Ipagdidiwang na ng inyong paboritong Sunday noontime habit ang Semana Santa ngayong Linggo (March 25) sa Sunday PinaSaya.

Abangan ang heartwarming episode ng “Madramarama Presents Limang Puso ni Ama” na isang live dramedy tampok sina Jose Manalo, Alden Richards, Ruru Madrid, Andre Paras at Miguel Tanfelix.

Ito ang kuwento ng isang single father na nagngangalang si Emman. Magiging mahirap ang kanyang pagdadaanan sa pagpapalaki ng limang anak. Maraming sakripsiyo ang kanyang gagawin ngunit inggit at poot pa rin ang mananaig sa kanyang pamilya. Paano malulutas ni Emman ang problema sa kanyang mga anak?

Ito ang kuwentong hatid ng country’s number one Sunday noontime show na hindi niyo dapat palagpasin.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.