Intense scene nina Alden Richards at Ruru Madrid sa 'Sunday PinaSaya,' pinuri ng mga netizens
Parang hindi na aktingan 'to uy! Totohanan na ba ang away nina Pambansang Bae Alden Richards at Ruru Madrid?
Pinuri ng mga manonuod ang intense scene ng dalawang mahuhusay na Kapuso stars sa "Madramarama Presents YA KA PAN (Yaya, Kapatid, Anak) sa second anniversary celebration ng Sunday PinaSaya kaninang tanghali, August 6.
A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas bilang si Yaya Rosa ang taga-awat sa away ng magkapatid na sina Christian (Alden) at Emmanuel (Ruru).
Mula pagkabata ay palagi nang nauuwi ang kanilang samahan sa away. Mas tumindi ito nang masangkot sa isang malaking gulo si Emmanuel.
Proud ang Comedy Queen sa kanyang mga alaga, "Maraming salamat sa lahat ng magandang comments sa segment na ito. Congrats sa mga anak ko na nag paramdam talaga."
Nagpasalamat at pinuri rin ni Ruru ang galing ng kanyang mga co-stars.
Balikan ang nasabing eksena dito:
Photos by: aldenrichards02(IG) and @rurumadrid8(IG)