MUST-WATCH: Gabbi Garcia at Ruru Madrid, kinilig sa kanilang "almost kissing" scene!
Madramarama presents 'Frustration Island'! #SPSHappyDito
A post shared by Sunday Pinasaya (@gmasundaypinasaya) on
Marami ang kinilig sa “almost kissing” scene ng Kapuso love team na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa Madramarama Presents Frustration Island segment ng Sunday PinaSaya.
May namumuong pagtitinginan sa pagitan ng survivors na sina Amelie at Mauro habang na-stranded sila sa Amento Island at naglalaban-laban sa isang reality artista search.
To the rescue ang nanay ni Amelia na si Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas na humarang sa kanilang ka-sweet-an, “Anak, I told you not to be friends with strangers!”
Depensa ng dalaga na matagal na niyang hindi nakita ang binata na isa ring contestant.
Nag-trending ang episode kahapon (May 7) ng Sunday noontime show. Abangan ang kasunod na kabanta sa susunod na linggo.