Julie Anne San Jose, naging 'marupok' ba noon?
Happy man siya sa pagiging single ngayon, aminado si Julie Anne San Jose na naging marupok din siya noon.
Sa isang Studio 7 Online Exclusive, nagkaroon ng Q & A ang Studio 7 kung saan nabanggit ni Julie kung kailan siya last naging marupok.
“Siyempre nung may jowa ako. Charot!” pabirong sagot ni Julie.
Sa ngayong, self-love ang priority ni Julie. Ang motto raw niya ngayon ay “Love yourself.”
Sabi niya, “Love yourself kasi 'yun lang talaga 'yung current status ko ngayon.
“Love yourself, kasi 'di ba siyempre kapag mahal mo na sarili mo ibig sabihin nun buo ka na. Kapag na-feel mo na buo ka na, 'yun na siguro 'yung sign na puwede ka na magmahal ng iba.”
Mas pinili rin ni Julie ang kaniyang pets kaysa sa pagkakaroon ngayon ng boyfriend.
Saad niya, “Next time na 'yung jowa, okey na ako sa pets ko.”
May personal attachment daw si Julie sa kaniyang pet dogs na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang saya. “Iba 'yung feeling yung nabibigay nila for example kapag malungkot ka pag nakikita mo sila nawawala yung pagod.”
Panoorin ang Studio 7 Online Exclusive ni Julie Anne San Jose
WATCH: Barbie Forteza gets a perfect score during a karaoke battle with Julie Anne San Jose
IN PHOTOS: Julie Anne San Jose performs for the Playlist Anniversary Week