
Ramdam ng seasoned actresses na sina Snooky Serna at Shermaine Santiago ang pagmamahal sa trabaho ng lead stars ng mini-drama series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.
Gaganap si Snooky bilang Susan Kintanar, samantala ipo-portray naman ni Shermaine ang role na Dra. Darla.
Sa idinaos na online media conference para sa show noong Lunes, October 11, buhos ang papuri ni Snooky kina Klea Pineda, Jak Roberto, at Lauren Young sa husay nila bilang aktor.
Aniya, “I'm so happy to realize that sincere itong mga batang ito, malalim sila umarte.”
Pagpapatuloy ni Snooky, “They are very dedicated to what they are doing, they are very serious sa kanilang ginagawa. They love what they are doing.
“Bukod sa in real life, in person mababait silang bata and they are pleasant to work with. Magaling silang mga artista at napapanood ko naman sila sa ibang shows, pero mas lalo pa dito sa show na ito, talagang namangha ako at na-impress talaga ako sa depth ng performance ng bawat isa sa kanila. You'll see a different Klea [Pineda] here, you'll see a different Jak Roberto here and si Max [Eigenmann], you see a different Max here, si Lauren [Young], a different Lauren.
“I'm just very happy lang bilang manonood, bilang nagmamasid sa kanila 'pag nagtatrabaho kami. I'm very impressed with them.” dagdag ng versatile actress.
Napangiti naman si Shermaine Santiago nang mapag-usapan ang dati niyang co-host sa Walang Tulugan na si Jak Roberto.
Nakakatuwa ayon sa kanya na ninanamnam ng Kapuso actor ang bawat eksena niya sa Never Say Goodbye.
Wika niya, “I worked with Jak for a long time as a host in Walang Tulugan. Hindi ko naman siya nakikitang bilang dramatic actor 'di ba? Pero dito nakita mo talaga 'yung hugot niya, nakita mo 'yung pinag-aaralan niya 'yung character.
“Ninanamnam niya 'yung bawat rolyo ng camera.”
Abangan ang mahusay na pagganap ng mga karakter sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye simula October 18 sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Check out some of Jak Roberto's sexiest photos in this gallery:
Related content:
Lauren Young, impressed with Jak Roberto
After switching networks, Luke Conde shares his journey as a Kapuso so far