Stories from the Heart: Love On Air: The Endgame
Sa ikatlong kwento ng Stories from the Heart na Love On Air, nasaksihan natin ang istorya ng broken-hearted na si Joseph (Khalil Ramos) at ang raketerang online seller na si Wanda (Gabbi Garcia) at kung paano nagbago ang kanilang mundo mula nang magkrus ang kanilang mga landas.
Si Joseph, devastated sa pagkamatay ng kaniyang longtime girlfriend na si Joan (Kate Valdez) at si Wanda naman, iniwan din ng kaniyang boyfriend na si Iggy Boy (Yasser Marta) matapos niyang bayaran ang pagpaparetoke ng ilong nito. Kaya naman labis na lamang ang galit nila sa mundo.
Hindi man naging romantic ang kanilang unang pagkikita pero ang magic ng tadhana ang naglapit sa kanilang mga loob. Itinuring nila ang isa't isa bilang sandalan at hingahan ng sama ng loob, pero ang hindi nila alam, ang isa't isa rin pala ang gabi-gabi nilang kausap at kaaway sa isang radio program.
Dito na nagsimula ang kanilang makulay na kwento.
Muling balikan ang mga maiinit na eksena sa pagtatapos ng Stories From The Heart: Love On Air dito.
Wanda
Dahil sa magulong sitwasyon, napaniwala naman ni Nacho si Wanda na mabuti ang kaniyang intensiyon.
Jealous Joseph
Babawi na sana si Joseph sa pagiging selfish niya kay Wanda pero nakita niyang magkayakap ang huli at si Nacho. Dahilan kung bakit hindi na siya lumapit pa dito.
The Truth about Nacho and Iggy Boy
Dahil nasisante ang buong Love On Air team, binigyan ng offer si Joseph ng kabilang radio station, pero maling kontrata ang natanggap niya. Ang kontrata ay nakapangalan sa isang Iggy Boy, dito niya nakumpirma na si Nacho at Iggy Boy ay iisa.
The Proposal
Matapos ilibot ni Nacho si Wanda sa kanilang radio station, nag-propose ito sa huli upang maging kaniyang girlfriend. Dahil magulo pa ang pag-iisip ni Wanda ay hindi agad siya nakasagot.
The Confrontation
Mabilis na pinuntahan ni Joseph si Wanda. Dito niya na sinabi na si Nacho at ang ex-boyfriend niya na si Iggy Boy na nang-iwan sa kaniya ay iisang tao lang pala.
The Breaking Point
Bumuhos ang galit at emosyon ni Wanda para kay Nacho at kay Joseph na para sa kaniya ay walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Napaiyak din si Joseph nang mapagtanto ang mga paghihirap na dinulot niya kay Wanda.
Heartbroken
Matapos ang kanilang pagtatalo, umalis si Wanda at naiwan mag-isa si Joseph. Dito na nila naramdaman ang sakit na idinulot ng pagmamahal nila sa isa't isa.
Fresh start
Tinanggap na ng dalawa ang mga masasakit na nangyari sa kanila. Bumalik na sa pagiging online seller si Wanda pero si Joseph, sinimulan na ang pagbawi sa kanya. Akala ni Wanda ay isang bagong customer ang kaniyang kakatagpuin, ang hindi niya alam ay plinano pala ito ni Joseph upang muli silang magkita.
Love confessions
Ipinagtapat na ni Joseph ang tunay na nararamdaman niya kay Wanda at gayun din ang huli.
Happy Ending
Nagkaroon ulit ng sariling radio program as a real couple ang dalawa at tinawag na itong Love Sessions with Joseph and Wanda.