Meet the cast of 'Stolen Life'
Nagsama-sama sa 'Stolen Life' ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor at aktres sa industriya.
Sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion ay mapapanood na sa kanilang inaabangang GMA Afternoon Prime serye na Stolen Life sa darating na November 13.
Mapapanood si Carla bilang Lucy, ang babaeng makakatagpo ng pagmamahal kay Darius. Si Darius na isang mapagmahal na asawa at ama ay ginagampanan naman ni Gabby. Samantala, si Beauty ay mapapanood sa 'Stolen Life' bilang Farrah, ang babaeng nagnanais na makamit ang buhay ng kanyang pinsang si Lucy.
Iikot ang kuwento ng 'Stolen Life' sa temang astral projection kung saan magkakapalit ng katawan sina Lucy (Carla) at Farrah (Beauty).
Makakasama nila sa kapanapanabik na seryeng ito ang ilan sa mga mahuhusay na aktor at aktres sa bansa. Kilalanin ang cast ng 'Stolen Life' dito:
'Stolen Life'
Magsasama-sama sa seryeng 'Stolen Life' ang ilan sa mga pinakamahuhusay na bituin sa GMA Network. Bibida sa bagong aabangang seryeng handog ng GMA Afternoon Prime sina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.
Carla Abellana as Lucy
Si Carla ay mapapanood bilang Lucy, isang ulilang pinagkaitan ng pamilya ngunit makakatagpo ng pagmamahal na hinahanap niya sa asawa't anak.
Beauty Gonzalez as Farrah
Gaganap sa 'Stolen Life' si Beauty Gonzalez na Farrah, ang babaeng may malaking inggit sa puso. Gagawin niya ang lahat para makuha ang mga bagay na matagal na niyang hinahangad.
Gabby Concepcion as Darius
Si Gabby Concepcion ay gaganap naman bilang Darius. Siya ay nabago ng pag-ibig pero muling magugulo ito dahil sa pagbabago ng pagkatao ng babaeng kaniyang minamahal.
Celia Rodriguez as Azon
Isa sa mga aabangan sa 'Stolen Life' ay pagganap ni Celia Rodriguez bilang Azon, ang lola ng pamilya Rigor. Isang mapagmahal at maalagang lola na gagawin ang lahat para maprotektahan ang kaniyang mga apo.
Anjo Damiles as Vince
Si Anjo ay gagampanan ang karakter ni Vince. Siya ay spoiled at happy-go-lucky ngunit makakaranas ng kapahamakan nang mapasakanya ang babaeng matagal na niyang inaasam.
Lovely Rivero as Belen
Si Lovely Rivero ay kasama sa aabangang cast ng 'Stolen Life' at siya ay mapapanood bilang Belen. Siya ang nanay ni Farrah na laging uunahin ang kapakanan ng anak. Magiging kasabwat rin siya ni Farrah sa kaniyang masasamang balak.
Divine Aucina as Joyce
Makikilala rin natin sa 'Stolen Life' si Joyce, ang karakter na gagampanan ng Kapuso comedian na si Divine Aucina. Siya ay ang best friend ni Lucy na laging may real talk sa kaibigan. Saksi siya sa pagbabago sa pagkatao nito na maaring napapalampas ng iba.
Juharra Zhianne Asayo as Cheska
Mapapanood sa 'Stolen Life' ang pagganap ni Juharra Zhianne Asayo bilang Cheska. Siya ang pinakamamahal na anak nina Lucy at Darius.
William Lorenzo as Ernesto
Gagampanan ni William Lorenzo ang karakter na Ernesto, ang manggagamot sa isang komunidad at siya rin ang mapagmahal na ama ni Farrah at tiyo ni Lucy.
World premiere
Abangan ang pagsisimula ng 'Stolen Life' sa world premiere nito ngayong November 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.