Start-Up PH: Tristan,sinubukang humingi ng tawad sa mga ni-reject at sinungitan niya noon
Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, tila unti-unti nang nagbabago ang ugali ni Tristan Hernandez, ang karakter na ginagampanan ni Alden Richards sa serye.
Mula sa pagiging suplado at mainitin ang ulo, nagging pasensyoso at mabait na ito sa mga tao sa kaniyang paligid.
Nagsimula ito nang makausap niya ang isa sa founder ng Three Sons Tech at dati niyang mentee na si Jefferson Katipunan (Royce Cabrera).
Nang aminin ni Jefferson na may galit siya kay Tristan, tila na-realize nito na hindi na tama ang kaniyang pag-uugali.
Dahil kasi sa dati niyang ugali ay maraming tao ang kaniyang nasungitan, ilan sa kaniyang mga empleyado ay nag-resign, at ang ilan ay nanliit ang tingin sa kanilang mga sarili matapos marinig ang mga masasakit na salita mula kay Tristan.
Sa nakaraang episode ng serye, napanood ng mga Kapuso na nagpasama si Tristan sa kaniyang assistant na si Darwin (Kevin Santos) upang puntahan ang mga taong nasaktan niya noon.
Sinubukan ni Tristan na humingi ng tawad sa mga ito ngunit tila gusto na nilang kalimutan ang mapapait na naging karanasan nila noon.
Hindi man niya nakausap nang maayos ang mga ito, tila bukal naman sa kaniyang kalooban ang kagustuhan niyang humingi ng tawad sa kaniyang mga nagawa.
Panoorin ang video na ito:
Apologies for all the damaged souls
Kung noon ay kilala si Tristan sa loob ng SandboxPH bilang istrikto at supladong mentor, ngayon ay mukhang mapapanindigan na niya ang pagiging 'Good Boy,' ang tawag sa kaniya ni Lola Joy (Gina Alajar).
Samantala, panoorin ang sermonan session nina Tristan (Alden Richards) at Dani (Bea Alonzo) sa video na ito:
Huwag palampasin ang kapana-panabik na kaganapan sa huling tatlong linggo ng Start-Up PH.
Mapapanood ang serye mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG AKTOR NA KABILANG SA STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: