GMA Logo  Ayen Munji Laurel Gina Alajar
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Start-Up PH,' nagsilbing reunion nina Ayen Munji-Laurel at Gina Alajar

By EJ Chua
Published November 25, 2022 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

 Ayen Munji Laurel Gina Alajar


Ayen Munji-Laurel, itinuturing na blessing ang muling makatrabaho si Gina Alajar sa isang serye.

Isa si Ayen Munji-Laurel sa mahuhusay na aktres na napapanood sa GMA drama series na Start-Up PH, ang Pinoy adaptation ng isang breakthrough Korean series.

Sa isang interview, ibinahagi ni Ayen na para sa kanya, isang dream come true ang makatrabaho niya sina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi sa naturang serye.

Bukod dito, isang bagay pa ang nakapagpasaya sa aktres nang mapabilang siya sa star-studded cast ng programa.

Ayon kay Ayen, “Another blessing for me, reunion din namin ito ni Gina [Alajar] dahil ang huli naming ginawa was Hiram Na Puso with GMA. Nag-Amaya rin kami. So, noong nalaman ko na kasama si Gina dito, ay oo naman! Na-miss ko 'to bilang kaibigan at katrabaho.”

Dagdag pa niya, “Being part of this is like coming home. It's been a long time, and after the pandemic it is a perfect project to do with the wonderful cast.”

Kasalukuyang napapanood si Ayen sa Start-Up PH bilang si Alice, ang ina nina Dani (Bea) at Ina (Yasmien).

Samantala, ang veteran actress at director naman na si Gina Alajar ay kasalukuyang napapanood sa serye bilang si Lola Joy, ang lola nina Dani at Ina, at ang dating biyenan ng karakter ni Ayen.

Matatandaang huling napanood si Ayen sa drama series na My Destiny, na ipinalabas sa GMA Network noong 2020.

Sa isang interview, sinabi ni Ayen na ang seryeng ito ay itinuring niyang showbiz comeback matapos ang ilang buwang pagpapahinga pagkatapos niyang ipinanganak ang kanyang baby girl na si Sofia, ang second child niya sa singer at actor na si Franco Laurel.

Patuloy na subaybayan ang karakter ni Ayen Munji-Laurel sa Start-Up PH!

Huwag ding palampasin ang mga excitings episodes sa natitirang ilang linggo ng serye, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: