GMA Logo Bea Alonzo and Jeric Gonzales
What's on TV

Start-Up PH: Dani deserves to know the truth about Davidson

By EJ Chua
Published October 24, 2022 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Jeric Gonzales


Davidson is not a real CEO! Aaminin na kaya ni Davidson kay Dani ang lahat ng pagkukunwari nila ni Tristan?

Ngayong gabi, mabibigat na mga eksena ang mapapanood ng mga Kapuso sa GMA drama series na Start-Up PH.

Matapos magpakilig ng Team DaDa (Dani at Davidson) noong mga nakaraang linggo, mukhang magkaroon ng misunderstanding.

Muling magkikita sina Dani at Davidson (Bea Alonzo at Jeric Gonzales) ngunit sa pagkakataong ito ay sa loob pa mismo ng SandboxPH.

Sa muli nilang paghaharap, mapapaamin na si Davidson na isa siyang aspiring CEO at puro pagkukunwari lamang ang lahat ng sinabi niya noon kay Dani at sa kapatid nito na si Ina (Yasmien Kurdi).

Dahil dito, mas babantayan ni Tristan (Alden Richards) si Dani at papayuhan niya ito na mag-focus na lamang sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Magkakaayos pa kaya sina Dani at Davidson?

Sinu-sino kaya ang magiging magkakagrupo sa SandboxPH?

Sino ang magtutulungan? At sino naman kaya ang maglalaglagan?

Abangan ang mga kasagutan sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: