Bea Alonzo's 'Start-Up PH' character inspires viewers and netizens
Nito lamang September 26, nagsimula nang maghatid ng pag-asa, inspirasyon, at pagmamahal sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales, sa pamamagitan ng kanilang mga karakter sa GMA drama series na Start-Up PH.
Ngunit ang karakter ni Bea bilang si Danica “Dani” Sison ay talaga namang tumatatak ngayon sa puso ng mga manonood.
Si Dani ay isang babaeng puno ng pangarap, hindi lamang para sa kaniyang sarili ngunit pati na rin para sa kaniyang lola at namayapang ama na si Chito (Neil Ryan Sese).
Mula nang iwan si Dani ng kaniyang ina na si Alice (Ayen Munji-Laurel) at kapatid na si Ina (Yasmien Kurdi) noong siya ay bata pa, sila na lamang ni Lola Joy (Gina Alajar) ang naging magkatuwang sa buhay.
Si Lola Joy ay owner ng Banana Sa-wrap, samantala si Dani naman ay isang crew noon sa isang food restaurant na mababa lamang ang nakukuhang sahod.
Ngayong nagkita na sila ng inaakala niyang ex-penpal niya na si Davidson (Jeric Gonzales), na-inspire siyang pumasok sa Sandbox PH upang doon simulan ang pagtupad sa kaniyang pangarap, ang maging CEO.
Sa nakaraang episode na #SUPHInspiration, maraming mga Kapuso ang naka-relate raw sa mga pinagdadaanan ni Dani.
Ayon sa tweet ng isang netizen, “We all have that “Dani” in ourselves. We want nothing but the best for our family and loved ones. That's why we're striving harder and aiming for success. We all have different struggles and pains. Kaya, keep on FIGHTING!”
Narito ang ilan pang post ng netizens na nai-inspire sa karakter ni Bea:
iPatuloy na subaybayan ang buhay ni Dani sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: